« Let Poor Born Geek Sew »
« P-O-W-E-R-B-O-O-K-S-G-R-E-E-N-_-E-L-T »
Be Careful for what you are re-posting!
Source: http://www.tristancafe.com/forums
Binasa niya ang isang Post na may title na- "Let Born Poor Geek Sew" sa Bulliten Board/Friendster ni Elena, ang classmate at crush niya... at pareho ng dati, isa na namang panloloko.
isang Chain letter, ito ang laman---
Sa makababasa,
Tulungan niyo ako! Katulad nyo, dati rin akong nahilig sa internet, sa chat, sa Friendster. Subalit may natuklasan akong kakaiba, bagay na hindi ko talaga inaasahan, kahit sa aking bangungot... Sinubukan ko nang magsumbong sa awtoridad ngunit hindi sila naniniwala... Wala na akong maisip pang ibang solusyon, kundi ang pag-kitil ng aking buhay. Ayaw niya akong lubayan. Kahit sa aking pagtulog... kay... Paalam.
-Edwin Velasquez
Sulat ito ni Edwin bago siya magpatiwakal... sinasabing nagpakamatay siya dahil nabaliw siya... subalit may ilan ring naniniwala na may nakita siyang bagay na sa sobrang nakakatakot ay ninais na lamang niyang tumalon sa building.
Please post this letter to your bulliten in friendster within five minutes or badluck will come to you, forever! Note that the title should be typed as "Let Born Poor Geek Sew"
Bagamat hindi naniniwala sa nabasa, gamit ang mouse ay kinopya rin niya ang mensahe, at pagkatapos ay nagtungo sa Post New Bulliten ng Friendster.com. Tapos, right click, paste. Tinaype ang "Let Born Poor Geek Sew", at naposte rin ang chain letter.
May isa na namang nauto...
Pero para kay Carlo, it was not a big deal... kung si Elena nga na itinuturing niyang isa sa matatalino sa kanilang klase, ay naniniwala rin sa ganitong letters... siya pa kaya. Tsaka isa pa, sa ganitong paraan, malalaman ni Elena na binabasa niya ang mga Bulliten Post nito.
Nilingon ni Carlo ang orasan sa kaniyang kwarto, ala-una na pala ng madaling araw, kaya naisip na nitong matulog.
Chapter 1
Alas-ocho na nang siya ay magising, at katulad ng kanyang gawain ay ang Computer agad ang uunahin. Binukasan niya ito, maya-maya pa ay nakarating na siya sa Friendster.com.
You Have New messages, iyon agad ang kanyang nabasa... excited siya, at ang una niya agad naisip ay sulat mula kay Elena.
Ngunit mali ang kanyang akala, mula ito kay Cindy, isa sa mga friendster niya, ngunit hindi niya talaga ito kakilala... isa sa mga nasa list niya... pero sa totoo totaly stranger para kay Carlo, minsan kasi... ina add lang niya kahit sinong tao ang gustong maging friend siya... pamparami ng Friendster, ika nga. Kaya hindi ka magtataka kung 356 na ang kanyang Friends pero 87 lang doon ang kakilala niya.
---
Cindy wrote you
Hey please lang, tungkol to sa pinoste mo kagabi, about Edwin Velasquez's letter, hindi pa siya patay, at saan nag originate ang letter na ito? Gusto kong malaman dahil ako ang kapatid ni Edwin... ang totoo nito ay may ilang katulad ang nasa sulat na iyon, tulad ng pagpapakamatay ni Kuya Edwin, pero hindi siya natuluyan, at isa pa hindi ko alam kung ano ang totoong dahilan ni kuya kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon. Dahil hanggang ngayon ay coma pa rin siya, hindi makapag salita... gusto kong malaman ang katotohanan... alam kong hindi ka maniniwala sa akin. Kaya kung pwede magkita tayo ng personal... food court, SM makati 4pm mamiya, iintayin kita doon, alam kong taga makati ka rin, nasa profile mo, inaasahan kita.
---
Nagulat si Carlo sa kanyang nabasa... hindi maaari! Pero parang imposible na totoo pala ang chain letter na iyon, ang chain letter na nagpasalin-salin sa maraming Friendster users... Ayaw niyang maniwala, subalit may tila bumubulong sa kanya na tila interesante ang bagay na iyon...
Pero mas nanaig sa kanya ang hindi pagpansin sa sulat... naisip niyang baka niloloko lang siya ng sumulat, at ang lahat ay kasinungalingan, nauuso pa naman sa mga panahon na iyon ang kidnapping sa Pilipinas. Kaya kahit ang pag-reply sa sulat ay hindi na niya pinag-aksayahan pa ng panahon...
Alas dose na ng tanghali ng makarating siya sa AMA Makati, ang kanyang paaralan. Second year college na siya, at ang kanyang paaralan na rin ang naging impluwensya kumbakit nagka hilig siya sa mga bagay na may kaugnayan sa Internet; Games, Chat, E-mail, Friendster, Porn, etc.
Unang klase nya tuwing huwebes ay Philosophy, at katulad ng dati, late na naman siya...
"Good Morning sir.", wika nito nang mabuksan ang pinto.
"Mr. Lambino, late ka na naman... Palagi na lang bang ganyan.", wika ni Mr. Munsod, ang kanilang guro. "Bueno maupo ka na."
Nagmadali si Carlo patungo sa kanyang upuan, sa tabi ni Elena... para lamang malaman na hindi na ito bakante, naka upo na si Gerard, ang kaklase nila na ubod ng yabang. Kaya wala siyang nagawa kundi ang ma-upo na lamang sa may bandang likuran.
Nakita nito na nakikipag usap si Elena kay Gerard, at doon pa lamang ay nagseselos na agad siya. Hindi niya inaamin sa kanyang sarili, subalit alam niya at ng buong klase na magandang lalaki si Gerard. Subalit sa tuwing maaalala nitong siya naman ang isa sa mga matatalino, habang si Gerard ay laging bagsak, napapangiti na lamang ito...
Natapos na ang klase makalipas ang dalawang oras, at tumayo na ang lahat ng estudyante palabas, habang si Mr. Munsod ay nagsasalita pa tungkol sa kanilang assignment.
"Carlo, favor naman o samahan mo ako sa Glorieta ngayon, kelangan ko kasing bumili ng drawing notebook para sa Art Appreciation naten mamaya.", pagyayaya ni Elena sa kaibigan.
"Tara.", simpleng sagot nito, hindi nagpapahalatang lubusan siyang natutuwa.
Chapter 2
Nang makalabas sila sa Gusali ng kanilang paaralan ay saka lang nila nalamang malakas na umuulan. Mabuti na lamang at may dalang payong itong si Elena. Sabay bukas.
Lumapit sila sa tapat na kalsada ng South Super highway at doon nag-abang ng jeep patungo sa SM makati.
Lalong lumakas ang ihip ng hangin at dahan dahang tinatangay ang payong nila. Hanggang tuluyan na itong bumigay at nabitawan na ni Elena. Ayyyyy! Sigaw ng dalaga, sandali pa ay dumapo na sa kanila ang malalaking butil ng ulan.
Pabalik sana ang dalawa ng gusali, ng may tumawag sa kanilang atensyon. Isang busina ng sasakyan. Nilingon nila ito, at nakita nila ang pulang Honda CRV papalapit sa kanila. Bumukas ang bintana at bumungad ang mukha ni Gerard. "Sakay na kayo, baka bigla kayong dumami, mahirap na.", pagyayaya nito.
Tatanggi pa sana si Carlo, subalit nakita nalamang niyang binuksan na ni Elena ang pinto sa back seat. Kaya pumasik na rin ito.
"Elena, san ba ang lakad natin, ihahatid ko na kayo.", wika ni Gerard.
"Sa Glorieta. Naku thank you Gerard, wala kasi kaming makitang jeep e."
"OK lang yun basta ikaw."
At tumakbo na ang kotse.
Chapter 3
"Kuya malapit ko nang malaman ang katotohanan.", wika ng isang babae habang hawak-hawak ang kamay ng isang lalaking pasyente, walang malay, tila lantang gulay.
Tinitigan pa ng babae ang mukha ng pasyente. Payapang payapa.
Nagulat na lamang siya nang biglang nagmulat ang mga mata nito, parang takot na takot ang mga titig nito.
"Kuya?!", nasabi na lamang ng babae. Iyon ang una niyang pagkakakita sa kanyang kapatid na muling nagdilat ang mga mata simula pa nang huli sila magkahiwalay tatlong taon na ang lumilipas.
"lhheettt... bohooorrnnn... porrr... geeeekkhh... soooo...", hirapan subalit makikita ang pagpupumilit na binigkas ng lalaki ang mga salitang iyon. "lhheettt... bohooorrnnn... porrr... gee..."
Hindi maintindihan ng babae ang sinasabi ng kanyang kapatid, napapailing ito... hanggang maisipan niyang pindutin ang alarm button upang humingi ng assistance sa ospital.
Subalit ng dumating ang mga nurse ay nawalan na muli ng malay ang lalaki.
Sindak sa mga pangyayari ay bumalik muli sa kanyang upuan. Inisip ang gustong sabihin ng kanyang kapatid, at biglang naiugnay iyon sa isang bagay... ang chain letter... 'Let Born Poor Geek Sew'
Chapter 4
Alas tres na nang makarating sila sa mall... bumaba sa kotse, at inaasahan ni Carlo na sila na lamang ni Elena ang pupunta sa Glorieta. Subalit sumama rin itong si Gerard. "I have to buy the new edition of FHM, sabay na ako sa inyo sa National bookstore."
Kaya naglakad na nga ang tatlo.
Napansin na lamang ni Carlo na masaya na namang nag-uusap ang dalawa, samantalang siya ay nasa likod lang nila. Nang marating nila ang National Bookstore... ay natanaw ni Extension Path patungo sa SM makati... at doon ay naalala niyang muli ang sulat kaninang umaga sa kanya ng isang babae.
Parang may naguudyok sa kanya na pumunta sa SM foodcourt dahil ilang hakbang na lamang iyon sa kaniyang kinatatayuan... ngunit sinasabi rin nya sa kanyang sarili na baka panloloko lang ang lahat.
Narinig na lamang niya ang tawag ni Elena mula sa loob ng National Bookstore, "Carlo, pasok ka na..."
At pumasok nga siya sa loob, binasura na lamang ang pag-iisip kung makikipag kita nga siya sa babae sa Friendster.
Chapter 5
"Ano ba yung tinitingnan mo jan sa labas ha?", pagtataka ni Elena.
"Ah wala, may naalala lang ako kaninang umaga.", paliwanag ni Carlo, sabay nginit.
"Ano naman yun... may kelangan ka bang bilhin sa SM?", naitanong ng dalaga.
"Hindi. Meron kasing--- at ikwenento na ni Carlo ang lahat ng pangyayari sa Friendster simula kagabi.
"Talaga!!! Tara puntahan natin... wait lang ha... babayaran ko lang tong drawing notebook then i meet naten yang girl na sinasabi mo...", pagkasabi ay nagtungo sa pinaka malapit na cashier at nagbayad.
"Asan na pala si Gerard?", naitanong ni Carlo.
"Out of stock na kasi ang FHM dito kaya tumingin siya kung meron sa Power Books."
May pumasok agad sa isip ng binata. Kung pupunta sila sa SM ngayon, masosolo na niya si Elena... sa ganong paraan mas mag eenjoy silang dalawa ng wala ang sagabal na si Gerard.
"Sige tara, punta na tayo sa SM."
"Wait, dapat pa pala nating intayin dito si Gerard."
"Naku wag na... ngayon na ang usapan namin noong girl, kelangan ganitong oras kami magkita sa food court tara na.", sabay hila sa kamay ni Elena. Nagmadali sa paglakad.
At ilang saglit pa ay tinawid nila ang extension path mula Glorieta patungo sa SM Makati.
Chapter 6
Nakaupo silang dalawa, magkaharap, may dalawa pang baaknteng upuan, at isang mesa.
"Paano mo naman malalamang nandito na yung Cindy na sinasabi mo, alam mo ba itsura noo?", tanong ni Elena.
"Wala siyang picture sa Friendster e, pero ako, diba may picture ako, so it means na kapag nakita niya ako, e di lalapit siya dito."
"Alam mo excited na ako... para kasing misteryoso yung pangyayari e."
Maya maya pa ay may lumapit nga sa kanilang isang babae. Nilingon nila ito, at nakita nila ang isang chinita na babae, kasing edad lang nila marahil... mukhang Hapones, makinis ang balat. Naalala tuloy ni Carlo ang pelikulang "The Ring" na Japan ang pinagmulan.
"Excuse me, are you Carlo?", wika ng Hapones.
"Yah I am Carlo.", tumayo sabay alok sa kanang kamay.
Nakipagkamay naman ang babae... "Ako Cindy... in Friendster."
"Siya naman si Elena, klasmeyt ko."
Tumayo rin si Elena at nakipagkamay "Nice meeting you."
At pagkatapos ay umupo na ang tatlo. Nag-usap.
Chapter 7
Minamalas yata si Gerard, madalas ay nakukuha niya kahit ano man ang kanyang gustuhin, pero sa mga oras na iyon, parang hindi umaayon ang lahat batay sa kanya.
Wala ring For Him Magazine(FHM) sa Power Books Glorieta, kaya wala siyang nagawa kundi pumunta sa Greenbelt, isa ring mall kalapit lamang ng Glorieta, at doon ay mayroon ring Powerbooks.
Matapos ang anim na minutong paglalakad ay narating na niya ang Powerbooks Greenbelt. Inankayat niya kaagad ang ikalawang palapag kung saan matatagpuan ang Magazine section. Hinanap niya ang FHM's latest edition, kung saan si Angel Locsin ang cover girl, at Bingo! Natapos rin ang kanyang paghahanap...
Pumili siya nang isa at naglakad patungo sa cashier upang magbayad. Subalit nahinto siya, nang maymapansin siyang kakaiba. Disturbing.
Nakita niya ang isang bata sa di kalayuan, umiiyak, nakasuot ng puti subalit maduming damit. Nilingon niya ang paligid, pinakiramdaman kung may magulang na kukuha sa bata. Subalit walang dumating. Dahan-dahan niya itong nilapitan upang patahanin. Subalit habang lumalapit siya ay lalo siyang nagugulat!
Tatlong metro na lamang ang layo niya sa bata, nang muli ay mapahinto siya. Napansin nito na
hindi pala dumi ang nasa puting damit ng bata, kundi dugo na natuyo. Napaatras si Gerard.
Nakita na lamang niya na nagmulat na ang mata ng bata, at halos mapatalon siya sa takot nang makita niyang kulay itim ang mga mata nito, kasabay ang paglabas ng maitim na likido sa mga mata at bibig. Humakbang palapit sa kanya!
Hindi na nag-isip si Gerard sa kanyang nakita... mabaliwbaliw siya...walang sabi-sabi ay tumakbo siya pababa, palabas ng Powerbooks. Nagmadali.
Natauhan na lamang siya nang may marinig siyang tunog... alarm, dahil nilabas niya ang FHM ng hindi pa nababayaran.
"Sir sandali po...", wika ng guard sa kanya.
Nilingon niya ang guard, at doon ay nakita niya ang isang imahe... imahe muli ng isang bata... nasilip mula sa likod ng gaurd na tumawag sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Gerard, at mabilis niyang inihagis ang magazine sa nagbabantay...
"Sir sandali...", wika pa rin nang guard, kahit nasambot na ang magazine... pagkatapos gamit ang walkie-talkie ay tumawag sa iba pang guards...
Chapter 8
"Tatlong araw na simula noong huli kaming magkita ni kuya... naiwan siya dito samantalang ako ay nagtungo sa Japan, kasama si Mommy.", kwento ni Cindy.
"Then nagulat nalang ako isang araw, may tumawag sa amin, at doon ko na lang nalaman na nagpakamatay si kuya. Noong una akala ko may pumatay sa kanya, kaya nagtungo ako dito sa Pinas, upang linawin ang lahat. At batay nga sa imbestigasyon e nagpakamatay nga si kuya... subalit walang nakaka-alam kung ano ang dahilan. Isang buwan na rin siyang nasa ospital, coma."
"Ah kaya pala nang mabasa mo sa Friendster ung message e nagulat ka, dahil related nga iyon sa kuya mo.", wika ng interesadong si Elena.
"Oo... lalo na ngayon... kanina lamang... nagising si kuya... tapos may gusto siyang sabihin sa akin, at naintindihan ko naman kong ano iyon. Noong una kasi akala ko may nangloloko lamang, kaya naisipang gumawa ng chain letter nang kung sino man. Pero nang marinig ko ang sinabi saken ni kuya lalo akong naniwala sa sulat na iyon."
"Bakit ano ba ang sinabi ng kuya mo?", naitanong ni Carlo, na sa mga oras na iyon ay walang kakurap-kurap.
"Sinabi niya sa akin, kahit nahihirapan siya, ang title ng bulliten na iyon, ang "Let Poor Born Geek Sew." Kaya ngayon umaasa ako na ang chain letter na iyon ang magiging daan upang malaman ko kung bakit nagtangkang magpakamatay si kuya.
Pagkatapos marinig iyon ay tumindig ang mga balahibo ni Carlo, nakaramdam siya ng takot. Totoo ang lahat.
Totoo si Edwin, totoo na nagtangka itong magpakamatay, at maaaring totoo rin na may natuklasan siyang nakakakilabot sa internet kaya niya naisip na magpatiwakal.
Bumalik na lamang sa reyalidad si Carlo nang magtanong si Elena... "Ano naman kaya ang kahulugan ng Let Poor Born Geek Sew? Mahilig bang magtahi si Edwin?"
"Yun nga ang tinatanong ko pa rin hanggang ngayon... kasi kanina dinala ko muli ang kanyang apartment at wala naman akong nakita kahit isang damit niya na kanyang tinahi, wala nga akong nakita ni isang karayum o sinulid man lang."
"Hindi kaya iyon nga ang dahilan...", mahinang wika ni Carlo.
"Ano?", naitanong ni Elena.
"Yun na nga siguro ang dahilan, yung sinabi niya sa kanyang sulat, bago siya magtangka... na... may natuklasan nga siyang kakaiba sa internet... ayaw raw siya nitong lubaya...", paliwanag ng binata, ramdam ang kaba.
"Pero hindi pa rin malinaw ang lahat sa sulat na iyon, kaya nga kung pwede sana ay malaman ko kuns saan unang nagmula ang sulat na iyon.", nasabi ng tila naguguluhang si Cindy.
"Mahirap na yun... pwde kasing napag pasapasahan na iyon ng marami e... at matagal bago pa malaman kung kanino yun unang nagmula..."
Tila nawalan na ng pag-asa si Cindy sa narinig. Subalit agad iyong naputol...
"Kaya ko yung gawin... kaya kong malaman kung kanino nagmula ang message na iyon!", wika ni Carlo.
Chapter 9
Si Edwin Velasquez, isa sa mga IT technical support ng HSBC Makati. Ang trabaho niya ay ayusin ang mga sirang kagamitang may kaugnayan sa computer. Taga pagkumpuni ng mga linya ng koneksyon ng computers at minsan ay taga pag timpla rin ng kape.
Madalas siyang makikita sa Ground floor palakad lakad doon, at sa tuwing kakailanganin, halimbawa ay nagka VIRUS ang computer ng isang empleyado, ay agad siyang tatawagin upang ayusin ito. Subalit may mga araw na maayos ang takbo ng lahat ng gamit sa kanilang opisina, at nararamdaman ni Edwin na wala siyang pakinabang, kaya nag pepresenta na lang itong ipag timpla ng kape ang mga nagtratrabaho doon.
Kaya simula nga noon ay nakilala siya bilang si Edwin, ang Black Coffee Maker. Sarap na sarap ang lahat ng empleyado sa kanyang kape.
At kung matatapos na ang office hours 6pm, isa si Edwin sa mga nagpapaiwan doon... lagi niyang dahilan na may computer na kailangan siyang ayusin pero ang totoo, ay gagamit lang siya ng internet...
Minsan isang gabi, siya, kasama si Bernard Alonzo, isa ring tech-support ay nag paiwan. Katulad ng dati nagpaalam sila na mag susunog ng kilay upang ayusin ang koneksyon ng mga kompyuter na sa tingin nila ay may virus.
Subalit nang masiguradong wala nang natitirang empleyado sa opisina ay agad na silang pumuwesto sa linya ng mga computers. Tig-isa sila at magkatabi. Nauna na si Bernard, at nang lingunin ito ni Edwin ay pornograpiya agad ang bumungad dito... si Bernard ang lalaking simpleng malibog. Natawa na lamang si Edwin.
Samantalang siya naman... ay www.tristancafe.com kaagad ang pinuntahan.Isinaksak niya ang baon niyang head phone sa computer, at pagkatapos ay nag-umpisang makinig sa mga OPM music na tanging Tristancafe.com lamang ang makapagbibigay...
Kahit madilim na sa loob ng opisina, dahil nga patay na ang mga ilaw, ay makikita mo pa ring libang na libang ang dalawa... si Bernard sa porn at si Edwin sa pinoy musics...
Napapapikit pa si Edwin habang bumubuka ang mga labi at sinasabayan sa isip ang awiting Gemini ng Spongecola.
Natigil na lamang ang pagka-aliw nito, nang may maramdaman siyang kumulbit sa kanyang kanang balikat...
Kahit hindi na sabihin kay Edwin, alam na nitong si Bernard ang umistorbo sa kanya... ang isang kulbit niya ay may ibig sabihin... nais na nitong magpatimpla ng kape.
Kaya tumayo si Edwin at nagtungo sa mini kitchen ng opisina at nagtimpla ng kape.
Maya maya pa ay bumalik na sa pweseto at inabot kay Bernard ang isa sa dalawang hawak na tasa.
"O, tol, thanks", ang laging sinasabi sa kanya ni Bernard, sabay higup sa kape.
"Buti na-isipan mong magtimpla ng kape... naunahan mo ako dun ah... uutusan palang sana kita.", nasabi ni Bernard habang iniihipan ang loob ng tasa.
"Ha? Diba kinulbit mo nga ako, akala ko ikaw ang kumulbit saken kanina... kala ko nagpapatimpla ka na...", pagtatakang paliwanag ni Edwin.
"Hoy wag ka ngang manakot, hindi kita kinukulbit no!", tensyonadong bulong ni Bernard, patunay lamang na kinakabahan na ito.
Nakita pa ni Bernard na pabuka ang bibig ni Edwin upang magpaliwanag, subalit napahinto sila ng namatay ang dalawang computer na kanilang ginagamit. At naghari ang dilim sa buong paligid.
"Tol, anjan ka pa ba?", tanong nang kinakabahang si Bernard.
"Andito lang ako... sandali... kukunin ko ang flashlight sa bag ko...", wika ni Edwin, mahinahon.
"Nag brownout yata.", nasabi na lamang ni Bernard upang mabawasan ang kaba.
Nang may marinig na lamang itong mga hakbang... mga tunog ng isang taong tumatakbo...
"Tol tumatakbo ka ba?", naitanong ni Bernard.
"Shhhh... hindi ako yun... may ibang tao dito... hindi ako yung tumatakbo...", paliwanag ni
Edwin na sa pagkakataong iyon ay tumabi na kay Bernard.
Humawak ng mahigpit ang duwag na si Bernard sa balikat ni Edwin.
"Tol nasan na ang flashlight mo?"
"Ewan ko, hindi ko makapa sa bag ko... naiwan ko ata sa apartment ko... pero imposible."
Hanggang sa marinig muli nila ang mga yagabag... tila may tumatakbo sa paligid nila...
"Sino yan ha???", nanginginig na tanong ni Bernard.
Subalit limang segundo na ay wala pa ring sumasagot... tahimik.
Hanggang andun na naman ang mga ingay ng takbuhan sa pagkakataong iyon, tila dalawang tao na ang tumatakbo... naghahabulan... Napatakip na lamang ng taenga si Bernard, ayaw nang marinig ang nakakapanindig balahibong takbuhan.
Nagulat na lamang sila nang may marinig silang isang bagay na bumaksak... nilingon nila ang pinagmumulan ng ingay.
Nakita ng dalawa ang isang naka-sindi na flashlight, iyon ang flashlight ni Edwin! Paanong napunta iyon doon? Naitanong ni Edwin sa sarili. Nakita nila ang flashlight sa may pinto ng mini kitchen ng kanilang opisina.
"Tol, dito ka lang kukunin ko ang flashlight ko.", paliwanag ni Edwin, pagkatapos ay gumapang patungo sa kitchen.
Nangangalahati pa lamang sa paggapang si Edwin na biglang mamatay ang ilaw ng flashlight, at dumilim muli ang paligid.
"Shit!", nasabi ng gulat na si Edwin.
Nasundan ito ng muling nakapagtatakang yabag ng takbuhan... walang makita si Bernard. "Tol asan ka na!", nag-aalalang tanong nito sa kaibigan.
At lalo pang lumakas ang yabag ng takbuhan... tumakip muli ng taenga si Bernard... nagdasal siya, aba ginoong maria... napupuno ka ng grasya... sundin ang... loob... pinikit niya ang kanyang mga mata kahit madilim na ang buong paligid.
Maya maya pa ay biglaan na lamang sumigaw si Edwin... napakalakas... tila nakita niya ang kamatayan.
Chapter 10
Sandali pa at nagtungo sina Carlo sa isang computer shop sa Glorieta... at doon ay inilabas niya ang kanyang USB flash drive... para yung diskette na pwede mong lagyan ng maraming files, ang pagkakaiba lang ay mas malaki ang capacity, up to 1.0 gigabytes.
Isinaksak niya ito sa USB port at binuksan... at nagsimulang lumabas sa monitor ng computer ang isang application software--- ang "PathFinder".
"Sa pamamagitan nito matre-trace natin kung kanino nag-originate ang letter... pero mga ilang minuto rin ito...", paliwanag ng binata sa dalawa nyang kasama.
Tinaype ni Carlo ang Let Born Poor Geek Sew, at pagkatapos ay kinopya ang URL ng friendster Bulletin Board, at panghuli ay klinik ang "Begin Find"
PathFinder is now finding...
Eighth to history... Carlo
Seventh to history... Elena
Sixth to history... Gabz888
"Ang ibig sabihin nito, kay Elena ko nakuha ang chain letter, at si Elena naman ay kinuha yun mula kay Gabz888...", paliwanag ni Carlo.
Ramdam na napahanga sina Elena at Cindy sa PathFinder, subalit mula sa kanilang nalaman ay wala na uling lumabas na resulta...
"Bakit huminto na ang Pathfinder, tapos na ba?", tanong ng Hapones na si Cindy.
"Hindi pa... nag pa-process pa kasi to... syempre matatagalan pa to ng konti, kaya wala tayong magagawa kundi mag intay... malalaman na lamang natin na tapos na ito kapag lumabas na sa monitor ang word na First to history. Kasi seven na tao na ang naunang nag post sa akin ng chain letter bago ako."
At maya maya pa ay sumunod naman---
Fifth to history... Laarni
at sumunod ay si---
Fourth to history... bench143
tapos---
Third to history... Ana_Hereras
Second to history... Jade
at nagulat sina Elena at Carlo sa sumunod nilang nakita... hindi nila inaasahan.
"Kelangan nating mahanap si Gerard!", naisigaw ni Elena, na tila nag-aalala.
First to history... Gerard007
Original to history found!
Gerard007
Chapter 11
Kahit ano pa ang pagmamadali ni Gerard upang matakasan ang mga guwardiyang humahabol sa kanya ay wala siyang nagawa... nabunggo na lang niya ang isa pang nakabarong na guard.
"Sumama po kayo sa akin...", wika nito kay Gerard habang mahigpit na hawak ang kanang kamay.
At doon pa lamang ay muling bumalik sa alaala ng binata ang nakakabaliw na itsura ng batang babae, na nakita niya sa Powerbooks... ang dahilan kumbakit siya kumaripas ng takbo.
Naglakad sila pabalik sa Bookstore.
Nang matanaw na niya ang tindahan ng mga aklat ay nilingon ka agad nito ang paligid... hinanap ang batang babae na kanina lamang ay nakita niya. Wala na ang bata.
Dinala na siya sa loob, at pinadaan muli sa detector, inalam kung maliban sa FHM magazine ay baka may iba pa siyang nais itakas sa Powerbooks.
Nang malamang wala nang iba pang tinangay ang binata ay saka nagtanong ang guwardiya...
"ano po ang dahilan at biglabigla na lamang kayong tumakbo papalabas ng Powerbooks?"
"Ah wala, wala...", sagot nito habang nakangiti subalit hindi pa rin maitatago ang takot."Hindi ko alam kung maniniwala kayo, pero may nakita akong multo.", biglaan at nanginginig nitong nasabi, pakiramdam ni Gerard ay binabangungot siya.
Naglingunan ang dalawang guwardiya, at doon ay nag simulang tumawa...
"Baka po nakita ninyo si Bambie... bata siyang babae, na pakalat kalat dito... anak siya ng aming manager... nakasuot kasi siya ng halloween costume... ang kulit talaga ng batang iyon.", paliwanag ng guard, habang tinititigan si Gerard na tila ba nangaasar.
"Ayun! ayun si Bambie...", tinuro ng isa pang guard.
Napalingon si Gerard, at doon ay nakita niya ang isang batang babae, nakasuot ng puting damit subalit madumi... iyon nga ang batang nakita niya kanina...
Napahinga ng malalim si Gerard, marahil ay guni-guni lamang iyon, nasabi niya sa kanyang sarili subalit narinig ng dalawang guard...
"Ano po ang yung guni-guni?", naitanong nang isa.
"Kasi po nakita ko na biglang may lumabas na itim na likido sa mga mata at bibig nang batang yan kanina... pero imahinasyon ko na lang siguro iyon, dahil nga naunahan ako ng takot...", nahihiyang nasabi ni Gerard, nawala ang kayabangan.
"Kung ganon sir, malinis na po kayo... pwede nyo na pong bayaran ang FHM ninyo sa cashier.", sabay turo ng guard sa may counter pagkatapos ay inabot ang FHM kay Gerard...
Habang patungo sa cashier ay muling nilingon ni Gerard ang nagtatatakbo at palundag lundag na batang si Bambie, natawa na lamang siya sa kanyang sarili...
Napunta na ang kanyang atensyon sa babayaran niyang FHM, dinukot niya ang kanyang wallet...
Subalit nagulat na lamang siya ng may marinig siyang malakas na ingay!!! Tila may malaking bagay na gumuho sa kanyang likuran... nilingon niya ito... upang makita ang isang karumaldumal!
Kitang-kita ng kanyang mga mata na bumagsak ang bookshelves... at ang nakakapangilabot sa tagpong iyon ay mayroong nadaganan sa ilalim... sugatan, umaagos ang dugo nito, palabas sa gumuhong mga kahoy at magugulong libro...
Kitang-kita ang nakalabas na kamay ng isang bata sa ilalim ng mga libro... kamay ng bibong bata na si Bambie.
Napatakbo si Gerard patungo sa bata. Kailangan niya ng tulong. Nasa isip ni Gerard.
Chapter 12
Kinuha ni Elena ang kanyang telepono... at tinawagan si Gerard...
Subalit ilang ring na ng kanyang phone ay wala pa ring sumasagot... "Gerard asan ka na? Bakit hindi mo sagutin ang phone mo..."
"Siguro dapat na lang natin siyang puntahan sa Powerbooks... kung ayaw niyang sagutin ang phone niya.", suggestion ni Elena, sabay cancel sa call niya.
"Good idea. Saan ba yung Powerbooks?", nasabi ni Cindy.
"Nandito lang yun sa Glorieta, I dont know kung Glorieta 4 or 2.", nasabi ni Elena, na tila nalilito na. "Kaya dapat na tayong magmadali... kasi hahanapin pa natin kung nasaan dito sa Glorieta ang Powerbooks."
"Sandali.", wika ni Carlo, seryoso habang nakaharap pa rin sa computer. "Sa Powerbooks Greenbelt tayo pumunta..."
"Ha?! Bakit doon? Nandoon ba siya, pano mo nalaman... sigurado ka ba?", nagtatakang tanong ni Elena.
Kasi when u scarmbled the word LET BORN POOR GEEK SEW mabubuo ang POWERBOOKS
GREENBELT, kapag dinoble mo ang Letter B.
"Pano mo naisip yan Carlo?", naitanong ni Cindy.
"Anagrams... magbasa ka kasi ng The Davinci Code Book."
Ngayon alam na nila kung nasaan si Gerard.
L E T-B B O R N-P O O R-G E E K-S E W
P O W E R-B O O K S-G R E E N-B E L T
☼☺ To be c0ntinued... ☺☼